Rowena Quiobe
Web Designer/ Art Director
1.Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 7
I . LAYUNIN
Pagkatapos ng takdang oras, ang mga mag- aaral ang ay inaasahang naisasagawa ang mga sumusunod nang may 75% tagumpay.
1. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya.
2. Natataya ang mga impikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas.
ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: (a) agrikultura, (b) ekonomiya, (c) panahanan, at (d)kultura.
3. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na Kalagayang ekolohikal ng rehiyon.
II. NILALAMAN
A. Paksa : Mga Likas Na Yaman ng Asya
B. Sanggunian : ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling Panlipunan Mudyol para sa Mag-aaral)
C.Kagamitan : Manila Paper, collored paper, pentel pen
D.Pagpapahalaga : pag-iingat sa likas na yaman
III. PAMAMARAAN
A. LUNSARAN
Picture Analysis
Iba’t –ibang larawan ng mga likas na yaman.
>Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kani-kanilang mga opinyon.
B. PAGLINANG NG GAWAIN
GAWAIN
-
Isulat sa loob ng kahon ang mga katanugang nais masagot tungkol sa aralin. Gawin ito sa kwaderno. Sa loob lamang ng 5 minuto.
-
-
Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat at huhulaan ang mga larawan kung ito ay yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral, o yamang kagubatan. Gagawin ito sa loob ng 5 minuto at ipepresenta sa klase, kasabay ng concept map sa ibab
-
-
ANG AKING MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA LIKAS NA YAMAN NG ASYA.
ANG AKING MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA MGA SULIRANING PANG KAPALIGIRAN NG ASYA.
Sa pamamagitan ng cocept map na ito itala ang impikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: (a) agrikultura, (b) ekonomiya, (c) panahanan, at (d)kultura.
C.PAGPAPAHALAGA
Bilang mag- aaral paano mo malilinang o mapapahalagahan ang kalagayang ekolohikal ng rehiyon.
IV. PAGLALAHAT
1.Ang aking mga pang-unang kaalaman.
2. Mga natuklasan at pagwawasto.
3.Mga katibayang nagpapatunay.
4.Mga kalagayang katanggap-tanggap.
5.Ang aking mga ganapna naunawaan.
V.KASUNDUAN
Pag-aralan ang Aralin 3: Etnolinggwistiko
2.Banghay Aralin/ Araling Panlipunan 7
I.LAYUNIN
Pagkatapos ng takdang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang nisasagawa ang mga sumusunod nang may 75% tagumpay.
1. Naiisa-isa ang mga suliraning pangkapaligiran sa Asya
2.Nakagagawa ng slogan tungkol sa Kapaligiran
3.Naipapahayag ang saloobin kung paano masusolusyunan ang mga suliraning pangkapaligiran sa kasalukuyan.
II. NILALAMAN
A.Paksa: Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
B.Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
C.Kagamitan: Mga larawan, bond paper
D.Pagpapahalaga: pagkakaroon ng disiplina sa sarilI
III. PAMAMARAAN
A. LUNSARAN
Ididikit ng guroang mga larawan sa pisara na may kaugnayan sa mga
suliraning pangkapaligiran. Bibigyan ang mgamag-aaral ng 2 minuto para mag-obserba.
B.PAGLINANG NG GAWAIN
Hahatiin sa 4 na pangkat ang klase, bwat pangkat ay iisip ng pangalan
ng kani-kanilang grupo. Bibigyan ng task card ang bawat pangkat para
sa Gawain, sa loob ng 5 minuto kailangang matapos ng mga mag-aaral
ang task na ibinigay sa kanila at ipipresenta ito sa buong klase.
Talakayin ang paksa upang mas maunawaan ito.
C. PAGPAPAHALAGA
MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN MGA MUNGKAHING SOLUSYON
ANG KAPAKINABANGAN NG TAO MULA SA KAPALIGIRAN
IV. PAGTATAYA
1-4. Ibigay ang apat nasuliraningpangkapaligiran sa Asya.
5-6. Ipaliwanag ang slogan na ginawa ng inyong grupo.
7-10. Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran at ibigay ang sariling opinion
kung paano ito masusolusyunan.
V. KASUNDUAN
Magsaliksik tungkol sa mga sinaunang Kabihasnan.
3. Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 9
I. Layunin
Pagkatapos ng takdang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang naisasagawa ang mga sumusunod ng may 75% tagumapay:
1. Natatalakay ang Kabihasnang Sumerian at ang pagbagsak nito.
2. Natutukoy ang mga naging kontribustyon ng Sumerian sa Kabihasnan ng daigdig
3. Napapahalagahan ang mga naiambag ng Sumerian sa Kabihasnan.
II. Nilalaman
Paksa: Kabihasnang Sumerian
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig III p. 33-36
Kagamitan: Kagamitang Biswal
Pagpapahalaga: Paggamit ng mga naimbentong bagay ng mga Sumerian.
Programang Pampamahalaan: Pag-aaral ng National Historical Institute
III.Pamamaraan
A.LUNSARAN
>Charade
Magbibigay ng mga salita ang guro iaakto ng mga estudyante sa harap ng klase, huhulaan ng ibang kamag-aral ang mga salita.
MGA SALITA
ØCalculator
ØGulong
Økalendaryo​
B. Paglinang ng Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1.Ano ang unang Kabihasnan na nandarayuhan sa Mesopotamia?
2.Sino- sino ang mga taga Sumerian?
3.Bakit naniniwala ang mga taga Sumerian na ang bawat lunsod estado ay kontrolado ng isa o maraming diyos?
>Sumerian
>Ang mga taga Sumerian ang pinaka-unang mayoryang pangkat na nandarayuhan. Nagsimula sila sa mga burol sa silangan. Sila ay mayaman sa kultura at maraming mananalaysay ang naniniwala rito.
>dahil naniniwala silang ang kanilang diyos ang nagsasabi ng kanilang gagawin.
C. PAGPAPAHALAGA
1.Bakit mahalagang pag-aralan ang kabihasnang Sumerian
IV. PAGLALAHAT
Mga Sumerian ang pinaka unang mayoryang pangkat na nandarayuhan sa Mesopotamia. Dahil sa pakikihalubilo nila sa mga orihinal na tao, nalinang nila ang kanilang kutura. Sumasamba sila sa maraming diyos na pinaniniwalaang nagkokontrol sa pwersa ng kalikasan. Cuneiform ang paraan ng kanilang pagsulat. Ziggurat ang kanilang templo para sa mga diyos. Ang hindi pagkakaisa ng mga lungsod estado ay naging dahilan ng pag-bagsak nito.
V.PATATAYA
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Paano umusbong ang kabihasnang Sumerian?
2.Anu-ano ang mga naimbag nito sa kabihasnan?
3.Ano ang kahalagahan ng mga naiambag ng Sumerian sa daigdig?
VI. KASUNDUAN
Sa pamamagitan ng graphic organizer ilahad ang mga naiambag sa kontribusyon ng Kabihasnang Babylonya sa daigdig.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig III
p.36-38
4.Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN 8
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng takdang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang
naisasagawa ang mga sumusunod nang may 75% na tagumpay:
1. Nabibgyangg kahulugan terorismo.
2. Naiisa-isa ang epekto ng terorismo sa lipunan.
3. Naibibigay ang sa loobin sa isyung terorismo sa lipunan
ii. NILALAMAN
-
Paksa: Terorismo
-
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig: p.359
-
Kagamitan:
III. PAMAMARAAN
a. Lunsaran.
Sa pamamagitan ng Loop a word,hahanapin ng mga mag-aaral ang mga salitang mabubuo sa kanilang isipan sa unang pagtinggin nila sa krossalita.
b. Pamamaraan
Terorismo
Ang terorismo o panliligalig ay ang paggamit ng dahas bilang anyo ng pagpilit. Sa kasalukuyang, walang pinagkakasunduang iisang depinisyon ng salita.Ang mga taong nagsasagawa ng terorismo ay tinatawag na mga terorista, mga manliligalig, o mga mapanligalig. Subalit maaaring ilarawan ang terorismo bilang isang sistematiko o masistemang paggamit ng pananakot o paninindak (malaking takot) upang makamit ang mga layunin.
C.Pagpapahalaga
Bilang ma-aaral paano mo mapipigilan ang paglaganap ng mga terorista sa buong mundo?
d. Paglalahat
Paano nakaapekto ang terorismo sa lipunan? ipaliwanag ang sagot.
IV. PAGTATAYA
1-5. Ibigay at ipaliwanag ang kahulugan ng terorismo.
6-10. Isa-isahin ang epekto ng terorismo sa lipunan.
V. KASUNDUAN
Magsaliksik tungkol sa mga kilalang terotista sa mundo.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng takdang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang naisasagawa ang mga ss. ng may 75% tagumpayay.
A.Naiisa-isa ang sanhi sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Pilipinas.
B.Naipapakita ang epekto ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagbabalita.
C. Naipapahayag ang saloobin higgil sa damdaming nasyonalismo sa
II. NILALAMAN
A. Paksa: Nasyonalismo
B. Sanggunian: Asya: Pilipinas I
C. Kagamitan: batayang aklat
D. Pagpapahalaga: makabayan at makabansa
III. PAMAMARAAN
A. Lunsaran
magpapakita ng video CLIP.
*Ano ang nais na ipahiwatig na damdamin sa video?
B. Paglinang ng Gawain
Unang pangkat: Isa-isahin ang sanhi ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Pilipinas.
Pangalawang pangkat: Sa pamamagitan ng pagbabalita, ilarawan ang nagging epekto ng damdaming nasyonalismo sa bansa.
Huling pangkat: Sagutin ang tanongsa pamamgitan ng tula: mahalaga ba ang damdaming nasyonalismo ? Bakit?
C. Pagpapahalaga
Gumawa ng slogan na nagpapakita ng pagiging makabansa.
D. Paglalahat
Kung hindi umusbong ang nasyonalismo sa bansa, marahil ngayo’y ______________.
E. Pagtataya
1-5) Sanhi ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa.
6-8) Eppekto ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa
9-10) Bilang mag-aaral, paano mo pianhahalagahan ang nagging epekto ng nasyonalismo sa bansa?
IV. KASUNDUAN
Hanapin sa google ang mga nasyonalista noong unang panahon